Ang Kinakatakutan ng Isang Dalaga

Ang kinakatakutan ng isang dalaga ay ang mawala at mawalan. 

Natatakot kang mawala sa dami ng ginagawa. Natatakot kang mawala sa buhos ng tao. Natatakot kang mawala sa sarili mo. Natatakot kang mawala parang isang bula, mawala ng walang bakas. Natatakot kang mawalan, mawalan ng minamahal. Natatakot kang mawalan ng upuan sa LRT o di kaya sa silid aralan. Natatakot kang mawalan ng pera, damit at ano pang materyal na bagay. Natatakot kang mawalan ng katalinuhan at kagandahan. Natatakot kang mawalan ng pamilya, kaibigan at iba pa. Natatakot kang mawala at mawalan, paano kaya kapag nangyari na?
Ang kinakatakutan ng isang dalaga ay ang magmahal at mahalin.

Natatakot kang magmahal kasi hindi ka mapakali. Natatakot ka na baka sumobra o magkulang ang pagmamahal na binibigay mo. Natatakot kang magmahal dahil gusto mo maging sapat at ayaw mong makasakit. Natatakot kang magmahal kasi baka ang kalabasan ikaw na lang ang lumaban at manatili. Natatakot kang magmahal dahil baka sa huli wala nang matira at maiwan ka paring malungkot at nag-iisa. Natatakot kang mahalin dahil baka hindi mo kayanin. Natatakot kang mahalin dahil baka hindi mo masuklian ang pagmamahal na ibinabahagi sayo. Natatakot kang mahalin dahil hindi mo alam kung hanggang saan ka kayang dalhin ng pagmamahal na sinasabi mo. Natatakot kang mahalin dahil pagod ka na marinig ang mga pangakong napako. Natatakot kang mahalin dahil ayaw mong maghintay sa wala o umasa sa walang kakwenta-kwenta. Natatakot kang mahalin dahil ayaw mong dumating ang araw na sasabihin niya, “Iiwan na kita, ayoko na.”
Ang kinakatakutan ng isang dalaga ay ang makasakit at masaktan. 

Natatakot kang masaktan dahil hindi mo alam kung ano ang gagawin. Natatakot kang masaktan dahil hindi ka sanay makaramdam nito.Natatakot kang masaktan dahil nasaktan ka na dati at ayaw mo nang balikan. Natatakot kang masaktan dahil pagod ka nang makaramdam. Natatakot kang masaktan dahil sawang sawa ka na maging api at maging kawawa. Natatakot kang masaktan dahil ikaw na naman ang talo sa huli. Natatakot kang makasakit ng hayop dahil kawawa. Natatakot kang makasakit ng iba dahil masama. Natatakot kang makasakit ng kaibigan kasi baka iwan ka. Natatakot kang makasakit ng minamahal dahil baka sukuan ka. Natatakot kang makasakit, bakit nga ba? Kung ang sakit ay parte ng buhay at pagmamahal bakit ito kinakatakutan? Bakit hindi matanggap na kaagapay ng pagmamahal ay pagsasakripisyo? Bakit takot kang makasakit at masaktan? 

Ang huling kinakatakutan ng isang dalaga ay ang makalimot at makalimutan. 

Kinakatakot niya na baka siya ay makalimot. Na baka makaligtaan niya ang mga maliliit na bagay na may malaking halaga sa ibang tao. Kinakatakot niya na baka makalimutan niya ang kanyang sarili. Na sa sobrang pagmamahal sa iba ay makalimutan niyang kailangan niyang alagaan ang kanyang sarili. Na baka sa sobrang pag-aalala sa iba ay makalimutan niya na may pangangailangan din siya. Natatakot siyan makalimot sa mga bagay na dapat mas pinapahalagahan. Natatakot siyang makalimot, takot na takot. Dahil ayaw niyang magawa sa iba ang nagawa na sa kanya. 

Kinakatakutan niya na baka kahit anong gawin niyang maganda ay wala pa rin makakaalala sa kanya. Kahit anong buti ng kanyang puso at budhi, walang makakaalam at walang magkakaron ng pakialam. Kinakatakutan ng isang dalaga na kahit ibigay niya ang mundo sa isang tao paglipas ng panahon, hindi pa rin siya maalala nito. Ang mithiin lang naman ng isang dalaga ay hindi makalimutan kahit anong mangyari.Mithiin niya na mag iwan ng bakas ng kanyang buhay sa iba’t ibang taong kanyang nakikilala. Natatakot siyan makalimutan, naluluha na kapag naalala. Ang panahong siya’y nakalimutan, panahong ayaw na niyang balikan. 

Star Crossed Lovers

It isn’t a case of bad timing

 Or a situation of someone dying. 

It was just something that was should be

But couldn’t be.
It’s not about the name or any name perhaps.

It was all about love and its mishaps.

Not about destiny, fate or happy endings,
This is just a story of two left hurting. 

It started with something like this: 
Not more than lovers or less than friends, 

It was all about fighting for each other till the end 

More about angels and demons that told you to “Love each other” “Love someone else.” 

It’s exciting and at the same time frightening,

To know that the one you love may give up and just stop fighting.

We both know that our paths may no longer cross 

And that it did before.
We are no less than star crossed lovers, 

loving each other from afar. 

Luha

Hanggang kailan ka luluha? 

May hangganan nga ba ang pagluha mo?

Gabi-gabi, dinadaan sa pagkanta at tatakasan ang pag iyak sa paraan ng pagtawa. Pero hanggang kailan ka magpipigil ng luha? 

Andito ako ngayon, lumuluha at nakikinig sa mga katang ang mga lyriko kung makatama ay tumatagos. 

Hanggang kailan ako luluha?

Hanggang kailan ako mangangamba? 

Hanggang kailan ako aasa na babalik ka?

Tama na, kasi ang sakit sakit na. 

Tahan na at tama na ang pagluha. 

Huli Na To’ 

Hindi ko alam kung saan pa ako nagkamali. 

Hindi ko alam kung ano ba nagawa ko sayo. 

Hindi ko alam kasi kahit minsan hindi mo sakin pinaintindi. Sana sinabi mo baka sakaling maayos pa natin. Sana kinausap mo na lang ako para alam natin pareho kung hanggang dito na lang talaga nagtatapos ang kwento. Sana sabihin mo kung bakit mo nagawa lahat ng ito. 

Saan nga ba ako nagkulang? 

Saan nga ba ako nagkamali? 

Bakit ang bilis mong sumuko? 

Bakit ganun lang kadali sayo na pakawalan ako? 

Madami pa akong tanong hindi ko alam kung masasagot mo pa pero. 

Ito na lang hinihingi ko huli na to’. 

Kailangan Kita

Kailangan Kita 
Magdadalawang taon simula nang sinabi ko sayong gusto kita. Magdadalawang taon na simula nang umasa ako na gusto mo din ako. Magdadalawang taon na simula nang nawalan ako ng kaibigan dahil sa feelings ko. Magdadalawang taon na, at hindi na masyadong masakit. Hindi na kita iniiyakan tulad ng dati. Hindi na kita sinusumpa nang parang walang bukas. Hindi na kita inaaway. Hindi na rin kita gusto. 
Pero masakit pa din pala. Masakit pa rin palang nakikita kang iba na nagpapangiti sayo. Masakit pa rin palang makita na ginagawa niyo ang mga bagay na ginagawa natin dati. Kaya niyong mag-usap nang walang malisya. Kaya niyong magtawanan ng totoo. Kaya niyong maging masaya na para bang wala nang pakialam sa iba. Nakakasakit kasi nakikita ko yun araw-araw. Araw-araw pinamumukha sakin na hindi na natin magagawa ang mga bagay na yan. Araw- araw pinaparamdam sakin na nagkamali ako. Araw-araw para bang sinisisi ako dahil nagustuhan kita at minahal kita. Kasalanan na ba ang makaramdam? Kasalanan na ba ang magmahal at magpakatanga? Wala naman akong ginagawang masama, pero bakit ako pa rin ang nagbabayad para sa kasalanang hindi naman talaga. 
Akala nila madali, akala nila okay lang. Akala ko din eh. Akala ko okay na. Kaso hindi pa din pala. Oo masaya ako, masaya ka din naman. Kaso ang sakit kasi kailangan pa natin maghiwalay ng landas para maging masaya. Masaya naman tayo dati diba? Masaya tayo na magkaibigan lang, kaso ako etong tanga umasa na baka mas magiging masaya kung minahal kita. Akala talaga nila biro lang ang lahat. Akala nila isang malaking pagkakamali. Akala nila, wala lang. Pero akala lang nila yun, ang sakit kasi ng katotohanan na, totoo lahat. Totoo lahat ng naramdaman ko pero para sa iba biro lang. Para sa marami, laro lang at para sayo wala lang. 
Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ano pa nga ba kung di ang manahimik sa isang tabi at umasta na parang walang nangyayari. Naka move on na ako. Hindi na kita gusto. Hindi na kita mahal. Pero kailangan kita. Gusto ko ako yung laging nandiyan para sayo. Gusto ko makakatawa na tayo na parang walang hinaharap na problema. Gusto ko maging masaya tayo. Gusto ko ibalik yung dati. Pero alam kong di maaari. Ang sakit sakit isipin kasi di na talaga maaari. 
Pero ikaw, pagkalipas ng dalawang taon namimiss mo ba ako? Namimiss mo ba yung tawa kong parang walang bukas? Hinahanap-hanap mo ba ako sa mga panahong nangangailangan ka ng masasandalan? Kailangan mo ba ako sa mga oras na walang-wala ka na? Naalala mo ba ako kapag napapadaan ka sa mga lugar na dati nating pinupuntahan? Kasi ako oo, alalang alala ko ang lahat. Kasi ako, hinahanap kita sa mga panahong walang wala na ako. Kasi ako, kailangan kita sa mga oras na wala na akong makapitan. Kasi ako, kailangan pa din kita. Pride ko na nagsasabi na kailangan kita. 
Magdadawalang taon na simula ng binaon ko lahat ng sakit. At pinahilom lahat ng sugat. Magdadalawang taon na pero kapag nakikita kita, nagsisisi pa din ako. Nakikita kita araw-araw at pinapaalala sakin na nagbago na ang lahat. Pinapaalala sakin na hindi ko mababalik yung dati nating pagsasama. Pinapaalala sakin na hindi man ako napalitan sa buhay mo, pero may iba nang nagpapatawa sayo. May iba nang humahawak sa kamay mo. May iba nang nagtatanong kung Okay ka lang ba. May iba nang gumagawa ng mga bagay na ginagawa ko para sayo. May iba na, at nandito ako sumusubok na makapasok muli sa buhay mo. Nagbabasakaling makabalik sa pwesto ko. Umaasang sana ako na ulit ang magpapatawa sayo. 
Dahil sa totoo lang… 
Kailangan kita, sana maintindihan mo. Kailangan kita, dito muli sa tabi ko katulad ng dati. Katulad ng dati, sana kailanganin mo rin ako. 

Naniniwala ka ba? 

Naniniwala ka ba? 
Naniniwala ka ba sa forever? o sa happy ever after? 

Naniniwala ka ba sa hula? o sa mga panaginip? 

Naniniwala ka ba sa mga pangako? O sa mga sinasabi sayo? 
Ako naniniwala ako. 
Naniniwala ka ba sa baka sakali? O sa sana? 

Naniniwala ka ba sa puwede pero malabo? 

Naniniwala ka ba sa sayang? 

Naniniwala ka ba sa pangalawang pagkakataon? O sa mga pinagpipilian? 
Naniniwala ka ba na may pagkakataon ka? 

Naniniwala ka ba na malapit na sana? 

Naniniwala ka ba na wala na talaga?

Naniniwala ka ba na sayang pala? 
Naniniwala

Naniwala

Tiwala

Nawala 

Nawalan ng tiwala 
Naniniwala ka ba? 

Naniniwala ka ba? 

Naniwala ka na ba? 
Pero isa lang naman ang gusto kong tanungin sayo,

Naniniwala ka ba sa tayo?