Bitin

Kung may isang bagay akong kinaayawan yun yung pakiramdam nang pagkabitin. Pakiramdam na parating na tapos hindi na pala matutuloy. Pakiramdam na masasabi mong “Ayan na ayan na, ay wala pala.” Pakiramdam na sasabihin mo na lang “Sayang, kulang pa pala.” o di kaya “Sayang, andun na sana eh.” Dati sa pagkain o sa telenovela lang ako nabibitin eh. Tipong “Ay wala na.” o di kaya pag nanonood ka biglang lalabas “Abangan”. 


Ano ba nakukuha sa pagkabitin? Para masabing may kasunod pa o para masabing hanggang dun na lang talaga? Mapapaisip ka kung tapos na ba o wala naman pala talagang tatapusin. 


Naramdaman ko na yan eh. Pagkabitin. Tipong akala ko siya na hindi pala. Pakiramdam na andun na papunta na kami kung saan man yun kaso tumigil. Kaso nawala nang parang bula. Umasa ako na parang sa telenovela lang na may “abangan” pang kasunod. Umasa ako na babalik pa siya baka may “pause” lang. Umasa ako eh yun yung masakit. Umasa ako tapos nabitin lang pala. 


Para bang pagsasakay ng LRT akala mo tren mo na nilampasan ka pa. Pagsasakay ng jeep, akala mo kasya ka pa hindi na pala, pinapili ka pa kung ipagsisiksikan mo sarili mo o magaantay ka ng iba. Andyan na eh, handa ka na ibigay ang lahat tapos wala naman pala. Wala naman pala talaga. Para kang kumain akala mo may round 2 pa eh kaso pagbalik mo wala na pala. Wala na pala.


Kaso naisip ko paano kung hanggang dun na lang talaga? Bitin pa ba yun? Kung hanggang dun na lang pala talaga yung kaya niyang ibigay ikaw lang yung tanga na umasa na may aabangan ka pa. Siguro nabitin ako sa pagdating mo kasi paggising ko makalawa wala ka na pala. Siguro nabitin ako kasi lahat binigay ko ikaw wala pang kalahati. Siguro nabitin ako kasi hanggang dun na lang talaga pinilit ko pa. 


Siguro nga nabitin ako, 

Pero sapat naman pala. 

Ako lang talaga ang nagpapatagal

nagpapahaba, nagpapakatanga. 


May mga bagay na may katapusan.

May mga bagay na sana tumagal.

May mga kwento na masaya ang katapusan.

May ibang kwento na meron pang kasunod na “Abangan.”


Pero ang kwento natin hindi nagtapos, hindi rin naman nagsimula. 

Pero sapat na yun siguro para sayo,

pero sa akin —–


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s