Tama Na

Ano? Sino?  Saan?  Bakit? Kailan? Paano?


Ano ba nagawa mo?

Ano ba nagawa niya para sayo para mahalin mo siya nang ganyan?

Ano ba nakuha mo sa paghabol sa isang taong alam mong hindi mo maabutan?

Ano ba siya sayo at ano ka ba sa kanya? 

Ano ba kayo? May kayo ba? 

Ano ba pinaglalaban mo? 

Ano nga ba nangyari? 


Sino ang dapat sisihin? 

Sino ba ang nagkulang? 

Sino ba ang nagpakatanga? Sino ang walang magagawa? 

Sino ba siya para saktan ka nang ganyan? At sino ka ba para mahalin siya? 

Sino naunang sumuko? Sino unang nangako? 

Sino ang dapat magpatawad? Sino ang dapat patawarin? 

Sino ang nanakit? Sino nasaktan? 

Sino ka ba sa buhay niya? At sino ba siya sa buhay mo? 


Bakit mo siya pinili? Bakit ka niya minahal? 

Bakit ka niya sinaktan? Bakit paulit-ulit mo pa rin siyang pinagbibigyan? Bakit mo paulit-ulit na sinasaktan sarili mo? 

Bakit nasisikmura mo lahat ng pagkukulang niya habang nandun lang siya nagpapakasaya nang wala ka? 

Bakit ka ba nagpapakatanga ah? 

Bakit ba siya? Sa dinami dami nang tao sa mundo bakit siya? At bakit ikaw? Ikaw na wala namang kaalam-alam ang siya pang ginaganyan? 

Bakit masaya ka pa rin kahit masakit? 

Bakit nandyan ka pa rin?

Bakit hindi ka parin sumusuko kahit nakakapagod na? 

Bakit hindi ka pa rin bumibitaw kahit nakakasawa na?

Bakit minamahal mo pa rin siya?


Kailan mo maiisipang magbago?

Kailan mo maiisipang mahalin ang sarili mo? Hindi ba pwedeng ngayon? Ipagsasabukas mo pa ba? 

Kailan mo siya mapapatawad sa pag-iwan niya sayo sa ere?

Kailan mo mapapatawad ang sarili mo sa pagpapakatanga mo? 

Kailan ka ba magbabago? Kailan mo ba balak mag-move on? 

Kailan mo ba balak kalimutan ang nakaraan at harapin na ang kasalukuyan? 

Kailan mo mamahalin sarili mo nang mas higit pa sa pagmamahal mo sa kanya? 

Kailan ka titigil sa paghabol? 

Kailan mo balak? 

Kailan ka ba matatauhan? 


Paano kung kailan unti unti ka nang bumibitaw tsaka niya naisip na kumapit? Paano kung kailan wala ka na sa kanya tsaka niya naisip na mahalaga ka pala, na mahal ka pala niya?

Paano kung kailan nakita niya na iba na ang nagpapatawa sayo, iba na mahal mo tsaka niya naisip na magsisi dahil pinakawalan ka niya?

Paano kung sabihin niya sayo, “Ikaw naman talaga, wala nang iba”?

Paano mo sasabihin na may iba na? 

Paano mo sasabihin na wala na siyang babalikan? 

Paano mo sasabihin na “Patawad, may mahal na akong iba”?

Paano mo aaminin sa sarili mo na baka siya parin nga?

Paano mo paniniwalain ang sarili mo na “Hindi, hindi ka niya mahal.”?

Paano ka uusad patungo sa kasalukuyan kung patuloy kang hinihila pabalik nang nakaraan? 

Paano ka makakatakas sa paniniwalang lahat ng tao ay may karapatan mabigyan nang pangalawang pagkakataon para mapatunayang nagbago na sila?

Paano ka na? 

Paano mo makakalimutan ang lahat ng sakit at hinagpis na inabot mo nang iniwan ka niya? 

Paano niya matutumbasan ang lahat ng paghihirap mo noong mga panahon na mahal mo siya? 

Paano? 


Isang sagot sa lahat ng tanong ay, tama na. 

Tama na. 

Tapos ka na. 

Nagpakatanga ka na, nasaktan, umiyak at bumangon. Tama na. Tumigil ka na. Wala ka nang oras at kakayahang magpakatanga pa ulit. Natuto ka na diba? Tama na. Tumigil ka na. Tapos ka na. Nalampasan mo na ang limitasyon mo. Hanggang doon ka na lang. Tama na. Pagbigyan mo na sarili mo ngayon. Kung dati akala mo hindi mo susukuan ang taong mahal mo nang buong buo kaso naisip mo na mas mahal mo pala sarili mo.

Advertisements

One thought on “Tama Na

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s