Akala

Aminin man natin oh hindi nabubuhay tayo sa akala. Hindi mo naman gagawin ang isang bagay ng walang pag-aakala. Hindi tayo sasabak sa isang giyera nang walang pag-aakala na kakayanin natin manalo. Hindi ka mag-aaral nang walang pag-aakalang makakapasa ka. Hindi ka magbababakasakali nang walang pag-aakalang baka mangyari nga. Hindi ka magmamahal nang walang pag-aakalang mamahalin ka rin niya.

Akala ko walang katapusan hindi pa pala.

Akala ko ikaw na hindi pa pala.

Akala ko hindi ko susukuan hindi na pala.

Akala ko tayo pa hindi na pala.

Akala ko wala nang iba hindi na pala.

Akala ko tunay na pag ibig na hindi pa pala.

Akala ko wala nang hihigit pa sayo hindi pa pala.

Akala ko huli ka na hindi pa pala.

Akala ko sayo na ako hindi na pala.

Akala ko ikaw ay akin hindi na pala.

Akala ko kuntento ka pa hindi pa pala.

Akala ko sapat na hindi pa pala.

Akala ko masaya na ako hindi na pala.

Akala ko ako pa rin hindi na pala.

Akala ko tapos na hindi pa pala.

Akala ko malaya na ako hindi pa pala.

Akala ko kaya ko na hindi pa pala.

Akala ko kakayanin ko pa hindi na pala.

Akala ko tama na hindi na pala.

At nasundan nang iba’t iba pang pag-aakala ang aking buhay.

“Akala ko dumating na hindi pa pala”

“Akala ko siya na hindi pa pala”

“Akala ko tulog na nalate lang pala”

“Akala ko naiwan na ako parating pa lang pala”

“Akala ko tama, mali naman pala”

“Akala ko masaya, nakakaiyak pala”

“Akala ko mura, mahal pala”

“Akala ko narating ko na, nalampasan ko pala”

“Akala ko sapat na, kulang pala”

“Akala ko kulang pa, sumusobra na pala”

“Akala ko may tatapusin, wala naman pala”

“Akala ko ako lang, hindi lang pala”

“Akala ko alam ko na lahat, hindi pa pala”

“Akala ko napatawad na hindi pala”

“Akala ko masaya ka pa, nagsawa ka na pala”

Sa dinami dami nang pag-aakalang nagawa ko sa buhay eto ang pinaka masakit. Sinabi ko sayo isang gabi

” Kapag sinabi ko bang mahal kita gagawin mo yung ginawa niya sakin? Kasi kung oo… akala ko ba ayaw mo akong makita mawala sa katinuan? Akala ko ba ayaw mo kong makitang masaktan? Siguro nga tama yung sinasabi nila lahat ng akala mali, akala ko iba ka, kaso akala ko lang pala yun”

Napaniwala ako sa isang iglap na ang pag-aakala ko ay pagkakamali.

Pinapaasa ko lang sarili ko sa isang bagay na hindi maari. Isang bagay na hindi naman talaga mangyayari.

At naiwan ako sa pag-aakalang walang akala ang tama.

Pero bawat gabi ipinagdadasal ko na may dumating na isang taong magbabago nang pag aakalang iyon.

At ang taong iyon ang magdudulot saking magsabi na

Akala ko kailangan pa kita hindi na pala.

Akala ko di ko kakayanin, kaya ko na pala.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s