Pagpapahalaga

Bakit ba ganoon? Sa buhay madalas ang pagtrato nila sayo parang lalagyan ng tubig na iniiwan sa labas habang umuulan para makaipon ng tubig. Tapos babalikan ka pag maaraw na, kinakailangan nan g tubig at puno ka na ng tubig. Kukunin nila lahat ng tubig pero walang ititira para sayo kahit na ikaw nagpakahirap, naghintay lang naman sila. Pagkatapos kunin ang lahat sayo, iiwan ka na lang.

Pagkatapos nang pag-iwan sayo, umulan muli at napuno ka ng tubig. Binalikan ka nang malaman nila na may mapapala sila o may makukuha sila sayo. At gaya ng dati, kukunin ang lahat at walang ititira tapos maiiwan kang walang wala at kawawa. Paglipas ng panahon paulit-ulit na lang nay an ginagawa sayo. Sabay ng paglipas ng tag-ulan at tag-araw, iniiwan ka at binabalikan. Paano kung isang araw wala na?

Sa paglipas ng panahon unti unti ka nang napapagod, napapabayaan. Sa paglipas ng panahon unti unti kang nasira, hanggang sa unti unti ka nang humihina, nababawasan na rin ang naiipon mo na tubig kaya unti unti ring nababawasan ang naiibibigay mo. Napansin nila na wala na silang napapala sayo. Napansin nila na nawawalan ka na ng silbi para sa kanila. Ano kaya gagawin nila?

Hindi ba kapag unti unti nang nasisira, naluluma, pinagsasawaan kaya nga sinusukuan eh. Aasa ka pa bang ipapaayos nila ang mga butas na nakuha mo sa pagipon ng tubig paglipas ng ilang tag-ulan at tag-araw? Aasa ka bang gagawa sila ng paraan para gumaan ang pakiramdam mo? Eh paano kung iiwan ka na lang pala nang tuluyan? O mas masaklap, mapalitan ka na lang.

Mas madali nga namang mapalitan na lang. Para sa kanila hindi ka nag-iisa, madami pang katulad mo na nasa paligid. Madami pang iba diyan ang kaya namang punan ang pagkukulang mo pag nawala ka. Madami pang iba diyan na baka nga higitan pa kung ano naibibigay mo dati eh. Madami pang iba diyan, hirap ngayon madali ka na ngang palitan.

Hindi na tayo natuto magpahalaga. Kasi para sa atin “ Madami pang iba diyan.” Oo nga madami pang iba diyan, pero lahat ng tao na dumadating sa buhay natin walang katulad. Lahat sila may dalang aral para sayo. Lahat may pinunan na tungkulin sa buhay mo. Lahat may hinahatid na kaligayahan at sakit.

Pero hindi lahat kailangan manatili. Hindi lahat kailangan ipaglaban. Hindi lahat kailangan mong iwan. Pero lahat yan dapat pahalagahan, sinaktan ka man, iniwan, pinaiyak, pinatay nang unti unti, pinasaya, pinatawa, pahalagahan mo. Kung hindi dahil sa mga tao na dumaan sa buhay mo, lahat ng tao na iniwan at nanatili, lahat ng tao na nangako at nagsinungaling kung hindi dahil sa kanila wala ka sa kinatatayuan mo ngayon.

Pahalagahan mo kahit sinaktan ka. Pahalagahan mo lalo kung pinasaya ka. Pahalagahan mo ang tumulong at nanakit sayo. Pero ang pinaka pahalagahan mo ang sarili mo kasi sa huli, kung susukuan ka na ng lahat at ng mundo ang sarili mo ang masasandalan mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s