Kulang

Akala ko masaya ka na kaso hindi pala

Akala ko may patutunguhan wala pala

Akala ko tayo na kaso may iba

Akala ko akin ka kaso naunahan na

Ginawa ko na lahat kaso hindi pa rin sapat

Ginawa ko na lahat ngunit kulang pa din

Ginawa ko na lahat kaso hindi pa rin umabot

Ginawa ko na lahat bakit siya pa rin

“Lagi na lang ako ang kulang”

 

Ilang beses ko na yan pinaulit-ulit. Ilang beses ko nang iniyakan, tinawanan, pinag- isipan. Kailan ba ako magiging sapat? Hindi pa ba siya makukuntento? Ilang beses ko na ring tinanong kaso wala talaga. Kulang nga ako kaya din siguro laging kulang ang sagot

“Hindi ikaw, ako kasi may problema, kaso hind din alam mo kalimutan mo na lang.”

“Wala, wala ka nang magagawa”

“Tama lang siguro may kulang pero okay lang.”

“Mahal na sana kita kaso—”

 

“Lagi na lang ako ang kulang.”

 

Baka ikaw talaga ang may problema. Baka nga kulang ka talaga. Kaso isipin mo din lahat ng nagawa mo na. Hindi pa ba sapat na pinasaya mo siya kahit nasasaktan ka na? Hindi ba sapat na iniiyakan mo siya? Ano pa ba kailangan mong patunayan para lang masabi niya na mahal ka niya?

 

Ako na lang lagi ang kulang.

Ako na lang lagi ang hindi umabot.

Ako na lang lagi ang hindi nararapat.

Ako na lang lagi ang napagiiwanan

“Lagi na lang ako ang kulang.”

 

Magsasawa ka rin. Kakahabol, kakagawa. Magsasawa ka rin. At unti-unti mong matatanggap na sapat ka naman pero hindi para sa kanya. Wala namang kulang sapat naman talaga. At magiging masaya ka kahit wala na siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s