Ano ba ako sayo?

Ano ba ako sayo?

Isang tanong na may libo-libong maaring sagot. Kaso isang sagot lang naman talaga hinihiling mo. Isang sagot lang talaga ang gusto mong marinig. Isang sagot lang din ang tama o nararapat.

Siguro hindi yun ang sagot na gusto mong marinig. Maaring hindi iyon ang sagot na pinagdadasal mo sa gabi.

“Ako na lang sana, ako na lang sana”

“Ako na lang ulit, sana ako na lang ulit.”

“Tayo na lang sana.”

“Tayo na lang ulit.”

Ano ba ako sayo?

Kahit ilang beses mo subukan hulaan ang sagot sa tanong na yan. Isa lang naman ang makakasagot. Siya lang naman. Siya lang wala nang iba. Masakit man manggaling sa bibig niya kung ang sagot na makuha ay hindi mo gusto pero ang saya rin siguro marinig na galing sa kanya yung mga salitang gusto mong makuha.

Ano ba ako sayo?

Kaibigan? Kapatid? Kalokohan? Ka-ibigan? Laruan? Pampalipas oras? Kasalanan? Ano ba ako sayo? Sana kapag nabasa mo ito mapaisip ka na mas higit pa diyan kung ano ako sayo. Dahil higit pa kung alin diyan ang turing ko sayo.

Ano ba ako sayo?

Paano kung siya yung nagtanong sayo? Isasagot mo ba yung tama o yung totoo? Sasagot ka ba ng “Oo, mahal kita” o ipagpapalipas at sasabihin “Hindi, wala.:” Paano kung siya rin pala umaasa sa sagot mo? Naguguluhan rin pala siya tulad mo. Humihingi rin ng sagot sa isang tanong na pinagipunan pa niya ng lakas para masabi sayo. Isasagot mo ba yung tama o yung totoo?

Ano ba ako sayo?

Sana kapag nabasa mo maisip mo kung ano talaga ako sayo. Sana maisip mo lahat nang nangyari, nagawa at nasabi. Sana maisip mo ako, ikaw, tayo kahit wala naman. Sana maisip mo lahat ng nangyari. Sana maisip mo. Sana maisip kung ano talaga ako sayo. Sana kapag nabasa mo ito, masagot mo na yung tanong ko.

 

Ano ba talaga ako sayo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s