1460.

Ang tagal kong inantay yung araw na toh. Itong gabi na masasabi ko na, tanggap ko na. Tanggap ko na, na hindi ko lagi makukuha yung gusto ko, mapabagay man o tao. Tanggap ko na, na kahit ibigay ko sa’yo ung pagmamahal ko nang buong-buo hindi ito magiging sapat para mahalin mo din ako. Tanggap ko na, na kahit ilang ulit kong ipagdasal at hilingin na sana maisip mo na mahal mo pala ako, kung hindi para sa akin hindi ito ipagkakaloob ng Diyos. Tanggap ko na, na mas mabuting pinalaya na kita at pinalaya ko na ang sarili ko mula sa’yo.

Nung una nalulungkot pa ako, pero sa totoo nalulungkot pa rin naman ako. Dahil akala ko kaya, akala ko posible, akala ko pwede, kaso ako lang pala yung nag iisip nun. Ako lang pala may gusto nun. Patawarin mo ko ha, dahil ang tagal bago ko natanggap. Patawad kasi nagkagulo pa.

Salamat nga pala, kasi binigyan mo ko nang pagkakataon na hanapin ang aking sarili. Binigyan mo ko ng pagkakataon na unti unting ipunin at buuin ang nawasak kong sarili at puso. Salamat pala dahil binigyan mo ko ng pagkakataong makilala ka at mahalin ka. Salamat kasi hindi mo pinagkait sa’kin yun. Salamat dahil sa’yo natuto akong magpakatatag at magmahal ng buong puso. Salamat dahil natuklasan ko na ang ganda sa pag-ibig ay wala sa pakiramdam na may nagmamahal sa’yo, at nasa pakiramdam na may minamahal ka. Muli, buong puso akong nagpapasalamat.

Hindi ko na hihilingin na sana magising ka isang araw tas maiisip mo na mahal pala ako. Hindi ko na hihilingin na mahalin mo rin ako. Hindi na ako hihiling sa’yo ng mga bagay na alam kong di mo kayang ibigay.

Hinihiling ko na lang, na sa pag gising mo sa araw- araw maalala mo na may nagmamahal sa’yo kahit na iniisip mong di ka karapat-dapat mahalin. Hinihiling ko na sana maging masaya ka, kahit saan ka pa dalhin ng tadhana. Hinihiling ko na sana hindi mo maranasan yung sakit na naranasan ko. Hinihiling ko na sana buksan mo ang buhay at puso mo sa mga tao. Hinihiling ko ito, dahil karapat-dapat ka pa rin maging masaya.

Tandaan mo na sa kabila ng lahat, may lugar ka pa rin sa puso at buhay ko.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s